things to ponder..
heto na naman ako, binibulay-bulay ang buhay. iniisip kung gaano ako kapalad sa buhay. sa mga taong ipinagkaloob sa akin upang maging bahagi nang aking mundo. sa tuwing nakikita ko kung gano kaayos ang aking pananamit, salamat sa aking ina na lagi andyan para bigyan ako nang magagarang kasuotan. sa tuwing nakikita ko kung gano ako na bibigyan nang masaganang buhay, salamat sa aking ama na handang magpagod para sa akin. sa tuwing nakikita ko kung pano ako nakikipagsalamuha sa ibang tao, salamat sa aking mga kapatid na nagsilbing halimbawa sa akin. sa tuwing nakikita ko kung gano ako inaaruga, salamat sa aking pamilya na laging andyan para sa akin. sa tuwing nakikita ko kung paano ako kasagana sa pagmamahal gayon ang iba’y naghahangad nito,salamat sa lalaking ipinagkaloob NYA sa akin. sa tuwing nakikita ko kung gaano ako tinanggap, salamat sa aking mga kaibigan na lagi kong nakakasama. sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na ito, salamat sa Diyos, na noon pa man ay minahal na ako…!
July 13th, 2006 at 12:10 am
wow…nice input there….(^_^)